hindi ako sigurado kung may elemento ito ng katatakutan o isang nagbabadyang panganib. pero epektibo ang larawan para magbahagi ng sarili niyang kwento.
naalangan lamang ako sa kulay itim na parang inayos sa kompyuter. kasi kung wala iyong itim na bahagi sa bandang kaliwang baba ng larawan kaya pa ring ilantad ng potong ito ang sarili niyang kwento.
mahusay ang lamlam at tekstura. kung hindi pa pinalalabas ang ET the movie, iisipin ko na pwedeng may isang ET na nakabisikleta at naglalakbay patungo sa buwang nakatanaw.